
May inihandang hugot line si Maureen Larrazabal sa nalalapit na Valentine's Day.
Photo source: @maureenelarrazabalofficial
Ayon sa aktres, ang mga single ngayong darating Araw ng mga Puso ay parang kuwarto niya.
Saad ni Maureen sa kaniyang caption, "'Yung room namin pag pasok ko parang Valentine's Day mo...ang lamig!!"
Ngayong taon, mapapanood si Maureen sa inaabangan serye ng GMA Network na Artikulo 247.
Ito ay pagbibidahan nina Rhian Ramos, Kris Bernal, Benjamin Alves, at Mark Herras.
Si Maureen ay mapapanood sa seryeng ito bilang Pinky.
Samantala, kilalanin ang cast ng Artikulo 247 sa gallery na ito: