What's on TV

Maureen Larrazabal on not getting married: 'It's a choice that you have to make'

By Kristian Eric Javier
Published October 20, 2025 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

AAP urges mandatory dashcams to deter road rage incidents
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

maureen larrazabal


Wala raw sa plano ni Mauren Larrazabal at ng kaniyang partner ang magpakasal kahit pa 22 taon na ang kanilang relasyon.

Isa sa mga layunin ng magkasintahan, bukod sa pagkakaroon ng anak, ay ang magpakasal sa isa't isa. Ngunit para kay actress-comedienne Maureen Larrazabal, hindi naman ito kailangan, lalo na at 22 taon na silang magkasama ng partner niya nang hindi ikinakasal.

Sa pagbisita niya, kasama ang kaibigan na si Ara Mina, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 17, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung pinili ba talaga nina Maureen na 'wag magpakasal.

“Yes. Ako kasi, very particular ako sa 'yung mag-aaway tayo 'tapos, mahihirapan tayo. We love each other, we'll be together, it's a choice that we stick [to],” sabi ni Maureen.

Pag-amin pa ng aktres ay madali lang naman ma-inlove sa isang tao, ngunit mahirap manatili sa isang relasyon. Aniya, araw-araw pipiliin ng mag-partner ang mahalin ang isa't isa at manatili sa relasyon.

“Choice ko to be with you, it doesn't matter kung kasal tayo or not,” sabi ng aktres.

TINGNAN ANG CELEBRITIES NA IKINASAL NGAYONG 2025 SA GALLERY NA ITO:

Pagdating naman sa pagiging ina, masasabi ni Maureen na very hands-on siya rito.

“I'm always there kung kailangan nila ako. Everyday ko silang kausap, I'm very close to my daughter, 19 na siya but she sleeps beside me, so ganu'n kami ka-close,” sabi ni Maureen.

Kilala rin ni Maureen ang mga manliligaw ng kaniyang anak, ngunit hindi umano siya nangingialam kung saan sila pupunta. Aniya, mas nangingialam siya sa mga nakakasama nilang kaibigan.

Saad pa ni Maureen, sinasabi rin niya ang mga opinyon niya sa mga kaibigan nito. Aniya, normal naman iyon at tanggap naman ng kaniyang anak.

Panoorin ang panayam kina Maureen at Ara sa video sa itaas.