GMA Logo Mavy and Cassy Legaspi
What's on TV

Mavy and Cassy Legaspi, na-pressure bang katrabaho ang mga magulang sa 'Hating Kapatid'?

By Dianne Mariano
Published September 25, 2025 6:26 PM PHT
Updated October 8, 2025 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy and Cassy Legaspi


Makakasama nina Mavy at Cassy Legaspi ang kanilang mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa upcoming afternoon drama series na 'Hating Kapatid.'

Bibida ang Legaspi family sa unang pagkakataon sa upcoming GMA drama series na Hating Kapatid.

Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ang naturang serye ay may kakaibang twists at tatalakay sa family issues.

Hinintay rin na magtugma ay schedules ng Legaspi family upang bigyang-buhay ang mga karakter na mapanonood sa Hating Kapatid.

“Almost a year or so mabuo itong Hating Kapatid. And ako dapat nasa Sanggang-Dikit, they pulled me out dahil kailangan daw talaga ako nandito. Kasi they were playing with the idea na what if tanggalin natin 'yung isang Legaspi family, lagyan natin ng isa. Then they figured out na parang may mali ata,” pagbabahagi ni Zoren Legaspi.

Ayon pa sa report, ramdam nina Mavy at Cassy ang pressure na makatrabaho ang kanilang mga magulang,

“They guide naman but the rest, ikaw na bahala, so that's what I also love. But 'yun nga, I feel the pressure because hello? This package, that's crazy,” ani Cassy.

Magandang pagkakataon din daw ito upang mas makilala ng mga manonood ang kanilang totoong pagkatao.

“I really take pride and I take this work very seriously because every time I'm that character, every time I'm Tyrone, I always make sure that I get to send a message to the viewers na gano'n talaga si Mavy Legaspi sa totoong buhay,” kwento ni Mavy.


Abangan ang Hating Kapatid sa GMA Afternoon Prime.


RELATED GALLERY: Cast ng upcoming GMA drama series 'Hating Kapatid'