
The wait is over mga Kapuso, dahil ngayong Biyernes, January 6, mapapanood na ang Legaspi twins na sina Mavy at Cassy sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sina Mavy at Cassy ay mapapanood bilang kambal din sa isa sa mga pinag-uusapang programa ngayon sa GMA Afternoon Prime.
Mayroong kondisyon ang karakter dito ni Cassy at si Mavy naman ang maaaring makatulong sa kaniyang kapatid upang gumaling ito.
Isa sa pinakainaabangang eksena ng mga manonood ay ang pagtatagpo ng kanilang mga karakter at ni Lyneth Santos, ang role ni Carmina sa serye.
Si Lyneth ay ang mapagmahal na ina ng genius doctor na si Dra. Analyn Santos, ang karakter na ginagampanan naman ni Jillian Ward sa programa.
Sino kaya ang tutulong sa kambal habang sila ay nasa APEX Medical Hospital?
Sa mga hindi nakakakilala sa kambal, sila ay mga anak ni Carmina at ng actor/director na si Zoren Legaspi.
Matatandaang kamakailan lang, magkasunod na binisita nina Mavy at Cassy ang kanilang mommy habang nasa taping ito ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Huwag palampasin ang mga eksena nina Mavy at Cassy kasama si Carmina sa naturang GMA drama series.
Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
IN PHOTOS: CARMINA VILLARROEL AS A COOL MOM TO MAVY AND CASSY LEGASPI