GMA Logo Carmina Villarroel, Jillian Ward, Mavy and Cassy Legaspi
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Mavy at Cassy Legaspi, mapapanood sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published December 27, 2022 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel, Jillian Ward, Mavy and Cassy Legaspi


Abangan ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sina Carmina Villarroel at ang kanyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy sa isang drama series.

Malapit nang mapanood ang Legaspi twins na sina Mavy at Cassy sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ito ang unang beses na makakatrabaho ng kambal ang kanilang mommy na si Carmina Villarroel sa isang drama series.

Sina Mavy at Cassy ay mga anak ni Carmina sa aktor na si Zoren Legaspi.

Mapapanood ang kambal sa trending na GMA drama series bilang magkapatid din sa serye.

Hindi dapat palampasin ng mga manonood ang mga eksena ng kambal habang kasama nila ang kanilang mommy na kasalukuyang napapanood bilang isa sa lead stars sa programa.

Si Carmina ay napapanood sa serye bilang si Lyneth Santos, ang paboritong nanay ng mga Kapuso sa GMA Afternoon Prime. Siya ang ina ng genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago kamakailan lang, ibinahagi ni Carmina na ito ang unang beses na makakasama niya ang kambal sa isang Kapuso serye, "First time namin na mag-aarte sa harapan ng isa't isa, magpo-portray kami ng role. First time talaga," sabi ni Carmina.

Si Cassy, nakakaramdam daw siya ng hiya sa kanyang mommy dahil sa husay nitong umarte.

Ayon naman kay Mavy, excitement ang nararamdaman niya na makaeksena niya ang kanyang mommy.

Paano kaya magtatagpo ang mga karakter nina Carmina, Mavy, at Cassy sa Abot-Kamay Na Pangarap?

Abangan ang mas kapana-panabik na mga eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

Samantala, napapanood sina Carmina, Mavy, at Cassy sa talk-variety show na Sarap 'Di Ba? na ipinapalabas sa GMA Network tuwing Sabado ng umaga.

TINGNAN ANG CUTEST PHOTOS NINA CARMINA, MAVY, AT CASSY SA GALLERY SA IBABA: