
Ipinagdiwang ng celebrity twins na sina Mavy at Cassy Legaspi ang kanilang 25th birthday kamakailan.
Sa online exclusive video na in-upload ng GMA Drama, ipinakita kung paano sinorpresa ng Hating Kapatid family ang Sparkle stars. Mapanonood sa naturang video na kunwaring tinawag si Mavy para sa actors in, ngunit sinorpresa siya ng kanyang co-stars at production team ng birthday cake at nakatanggap ng pagbati mula sa mga ito.
Samantala, na-prank naman si Cassy sa set nang akala niyang hindi satisfied ang direktor ng pinagbibidahan niyang serye sa eksena. Nagulat ang Sparkle actress nang bigla siyang kantahan ng happy birthday song at ibigay ang kanyang birthday cake.
Bukod dito, ibinahagi ng seasoned actress na si Carmina Villarroel ang photos at videos ng birthday salubong ng kanyang mga anak. Ayon sa batikang aktres, wish niya ang good health, happiness, at purpose para sa kanyang kambal.
Samantala, patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Related gallery: Legaspi twins, Mavy and Cassy are the complete package