
Nag-enjoy sina Mavy at Cassy Legaspi sa kanilang pagbisita sa TiktoClock!
Ngayong April 22 ay ang crossover ng Sarap, 'Di Ba? hosts na sina Mavy at Cassy sa TiktoClock para sa GMA Musical Variety and Talent Reality Group campaign na “Masaya Dito!”
Siguradong "Masaya Dito!" sa TiktoClock dahil sumabak ang Legaspi twins sa masayang 'Sang Tanong, 'Sang Sabog. Ipinakita nina Mavy at Cassy ang kanilang kaalaman pagdating sa mga showbiz trivia. Pero sa huli, pareho silang nalito sa mga hirit ng mga hosts ng TiktoClock.
Nakisaya rin sina Mavy at Cassy kasama ang mga Tiktropa sa 'Hale-Hale Hoy.'
Balikan ang naging pagbisita nina Mavy at Cassy "Masaya Dito!" crossover ng Sarap, 'Di Ba? sa TiktoClock!
Samantala, abangan ang pagbisita ni Sarap, 'Di Ba? host Carmina Villarrroel sa April 24 sa TiktoClock. Mapapapanood naman ang All-Out Sundays stars na sina Zephanie, Hannah Precillas, at Mark Bautista sa April 26.
"Masaya Dito!" kaya tutok na sa TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network at sa GTV.
Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.