
Ibinahagi ngHating Kapatid star na si Mavy Legaspi ang biggest fear nila ng girlfriend na si Apoy Sa Dugo actress Ashley Ortega.
Sa Unang Balita report ni Athena Imperial, sinabi ng 25-year-old actor na kinatatakutan nila ng kaniyang nobya ang makatrabaho ang isa't isa.
"Biggest fear namin 'yun na makatrabaho ang isa't isa. Dahil alam namin tatawa lang kami at 'yun din ang nangyari, pero mas naging enjoyable siya. Super naging enjoyable siya dahil siyempre close si Ash sa akin and super naging madali ang trabaho," kuwento niya.
Samantala, kaabang-abang din sa mga susunod na episodes ng Hating Kapatid kung magiging kakampi o kaaway ba ni Belle, na ginagampanan ni Cassy Legaspi, si Tally, na karakter naman ni Cheska Fausto.
"Alam mo, okay sana e. Best friends sana kami kaso si Roselle kasi e [laughs]," ani Cassy.
Sa kabila ng kanilang mga karakter, magkasundo sina Cassy at Cheska off-cam.
Aniya, "On cam, nag-aaway si Belle at si Tally pero off-cam, si Cheska at si Cassy, we're good.”
Bukod dito, bumida rin ang Legaspi family sa 2025 Metro Manila Film Festival entry na Rekonek at labis ang pasasalamat nila sa fans dahil sa kanilang pagmamahal at suporta sa kanilang pelikula.
Katunayan, kamakailan lamang ay nagkaroon ng block screening para sa Rekonek at nagkaroon pa ng birthday surprise para sa Legaspi twins mula sa kanilang mga tagasuporta.
"Ang sarap sa pakiramdam na nandito sila, ginawa talaga nila ito for the Legaspi family. So we're very, very thankful," pagbabahagi ni Carmina Villarroel.
Panoorin ang buong Unang Balita report sa video sa ibaba.
Patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Related gallery: Stellar cast ng 'Hating Kapatid,' ipinakilala sa media conference