
Nagsimula na ang taping para sa inaabangang Kapuso series na Love at First Read na pagtatambalan ng Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
Ang nasabing series ay ang second installment ng Luv Is series na collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa dalawang lead stars na sina Mavy at Kyline, ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga naging paghahanda para sa nasabing serye.
Kuwento ni Kyline, “Dahil galing nga po ito sa isang Wattpad story, kinausap ko talaga 'yung author which is si Chixnita para mas makilala ko pa 'yung character and we read the book together, kaming dalawa ni Mav, the first chapter.”
Ayon kay Kyline, sinigurado rin nilang mabuo muna ang relasyon nila ng cast upang mas magkaroon ng chemistry ang kanilang mga karakter.
Aniya, “Ang importante talaga sa akin ay 'yung magkaroon ng bond with the cast mismo, kasi kailangan talagang iba 'yung chemistry namin e, para mas maramdaman 'yun ng audience, so 'yun nag-create ng bond, nag-create ng trust, ng relationship sa isa't isa and then after that, smooth sailing. I mean of course may mga little waves pa rin but nalalagpasan namin 'yun as a team, as friends and ang saya ko na nagkaroon ulit ako ng bagong set of friends and family.”
Para naman kay Mavy, kinailangan niyang sumalang sa mga acting workshop dahil ayon sa kaniya, “I'm not as seasoned of an actor as compared to Kyline so siyempre nagkaroon ako ng different workshops.”
Dagdag pa ni Mavy, binasa niya rin ang nasabing Wattpad novel upang pag-aralan ang kaniyang karakter at personal na kinausap ang author nito na si Chixnita.
“Nagbasa rin ako ng libro para familiar na rin ako sa characters namin kahit wala pa 'yung script, at least we know na the story, ako, bilang Kudos and Kyline as Angelica. We took a lot of time to really get to know our characters, we gave each other ideas, base sa mga chapter na nabasa namin sa libro,” ani Mavy.
Patuloy pa niya, “We gave our respect also to the author, Chixnita for how she created the character, Kudos, and Angelica, we don't want to upset her and of course the millions of fans of Love at First Read.”
Makakasama ng MavLine sa nasabing series ang iba pang Sparkle stars na sina Therese Malvar, Marco Masa, Pam Prinster, Mariel Pamintuan at Kapuso young heartthrobs na sina Bruce Roeland, Larkin Castor, Josh Ford, at TikTok stars na sina Gabby, at Kiel Gueco o mas kilala bilang Gueco Twins.
Mapapanood din sa serye ang seasoned actors na sina Jestoni Alarcon, Jackie Lou Blanco, at Maricar de Mesa.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MAVY LEGASPI AT KYLINE ALCANTARA SA GALLERY NA ITO: