GMA Logo Mavy Legaspi at Kyline Alcantara
What's on TV

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, nagpakilig sa media conference ng 'Love At First Read'

By Jimboy Napoles
Published June 8, 2023 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara


Sabi ni Mavy Legaspi kay Kyline Alcantara sa harap ng press: “Ang daming sinasabi ng mga mata ni Kyline kapag nakatitig siya sa akin.”

Hindi naitago ng Love At First Read lead stars na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang kanilang sweetness sa isa't isa sa media conference ng nasabing series ngayong Huwebes, June 8.

Sa pagharap nina Mavy at Kyline sa media, pinaramdam agad ng dalawa ang kanilang chemistry habang sumasagot sa tanong ng mga press.

Sa nasabing event, natanong sina Mavy at Kyline kung kailan ang huling beses na nakaramdam sila ng kilig.

Dito ay saglit na napahinto si Kyline at nakangiting sinabi, “Siguro po 'yung sinabi niya na I am his world kay Tito Boy.”

Matatandaan na sinabi ni Mavy sa kaniyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 7, na si Kyline ang kaniyang, “My world,” nang tanungin siya ni Boy ng, “In one word, describe Kyline Alcantara.”

Samantala, dagdag pa ni Kyline, “Siyempre sino ba namang hindi kikiligin doon at first time ko lang din po makaramdam ng ganung tipo ng appreciation galing sa isang tao.”

Mas lalo namang naging matamis ang usapan nang sabihin ni Mavy kung kailan din siya huling beses na kinilig.

“Last time na kinilig ako actually is a few seconds ago,” sabi ni Mavy habang nakatingin kay Kyline.

Dagdag pa niya, “Lagi akong kinikilig kapag nakatitig siya sa akin kasi ang daming sinasabi ng mga mata ni Kyline kapag nakatitig siya sa akin.”

Kuwento naman ni Kyline, marami rin siyang natutunan kay Mavy habang ginagawa nila ang Love At First Read, isa na rito ang passion sa trabaho.

“Siguro po when it comes to work 'yung professionalism naming dalawa and nakita ko rin 'yung fire ni Mavy na every taping day namin willing po talaga siyang matuto, willing siyang gawin ng maganda ang eksena and nakikinig siya sa constructive criticism.

“Iba 'yung passion niya pagdating sa trabaho and dahil nakikita ko 'yun lagi sa kaniya, na-motivate po ako na mas pagigihan 'yung craft ko,” anang aktres.

Nang tanungin naman si Mavy kung ano ang dapat asahan sa pagsisimula ng kanilang serye sa June 12, ito ang kaniyang simpleng sinabi, “Prepare to see magic.”

Samantala, mapapanood na ang Love At First Read ngayong Lunes, June 12, pagkatapos ng 24 Oras.

SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENE PHOTOS NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: