
Mission accomplished ang actor-host na si Mavy Legaspi sa kanyang kauna-unahang pagsalang sa “G sa Gedli” kasama si Isko Moreno o kilala rin bilang si Yorme.
Ang “G Sa Gedli” ay isa sa mga segment ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya, kung saan lumilibot ang hosts nito sa iba't ibang lugar upang magbigay ng “G” o “Ginhawa” sa mga kababayang higit na nangangailangan.
Madalas na mapanood sa programa sina Isko at si Buboy Villar bilang tandem sa naturang segment. Sa nagdaang episodes, nakasama na rin ni Isko ang aktres na si Arra San Agustin.
Ngayong Huwebes, January 25, first time na sumama sa “Gedli” ng binatang aktor na si Mavy kung saan naglibot sila ni Isko sa ilang mga lugar sa Pasig City.
Sa episode na ito, masuwerteng nabigyan ng tulong nina Isko at Mavy ang tindero ng kakanin na si Papi. Sinisikap umano ni Papi na makapagtinda ng marami araw-araw para kumita para sa kanyang asawa at tatlong mga anak. Bukod dito, nagtatrabaho rin umano si Papi bilang isang construction worker.
Bilang tulong kay Papi, pinakyaw nina Isko at Mavy ang kanyang paninda at binigyan ng PhP30,000 na may bonus pang regalo mula sa mga sponsor.
Tumutok sa Tahanang Pinakamasaya, Lunes hanggang Biyernes 12:00 p.m., at Sabado 11:30 a.m. sa GMA.