GMA Logo Mavy Legaspi and Kyline Alcantara
PHOTO SOURCE: @itskylinealcantara
What's on TV

Mavy Legaspi, hindi pabor sa mga revealing outfits ni Kyline Alcantara?

By Maine Aquino
Published April 27, 2023 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DMW: 67 Filipinos from Qatar back in PH amid Middle East conflict
Easter travel surge fills Dagupan bus terminals
Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi and Kyline Alcantara


Tanong ng ina ni Mavy Legaspi na si Carmina Villarroel, "Totoo ba na ayaw mo na revealing ang suot ni Kyline Alcantara at nagiging dahilan ito ng tampuhan?"

Inamin ni Mavy Legaspi na nagkakatampuhan sila ni Kyline Alcantara dahil sa revealing na outfit.

Diretso itong sinagot ni Mavy nang itanong ni Carmina Villarroel sa Sarap, 'Di Ba? ang "Totoo ba na ayaw mo na revealing ang suot ni Kyline Alcantara at nagiging dahilan ito ng tampuhan?"

"Tama, yes." saad ng Kapuso actor and host sa tanong ng kaniyang ina.

Ipinaliwanag naman ni Mavy kung ano ang revealing na outfit sa kaniya.

Saad ni Mavy, "Ako lang number one ko, kapag hindi nag-cycling shorts, pero 'yun lang naman. Pero anything else, she's free to wear whatever she wants.

Dugtong pa niya, "Kapag hindi nag-cycling sa mini skirt or dress, mini dress. Kapag hindi nag-cycling. Kasi kayong (Carmina) dalawa ni Cass (Cassy Legaspi) nagsusuot ng cycling. May standard."

Ayon din Mavy ito lamang daw ang kanilang pinagkakatampuhan. Ani Mavy, "'Yun lang, everything else I'm fine, so like even if there's sleeveless, spaghetti straps, strapless, cleavage kita, whatever that's fine because 'yan 'yung gusto niya e."

Kitang-kita naman ang pagka-impress ni Carmina sa kaniyang anak, saad pa ni Carmina pinoprotektahan lang ni Mavy si Kyline.

Saad pa ni Carmina, "See 'yung mga anak nakikita talaga 'yun sa mga magulang. Galing mo."

PHOTO SOURCE: @itskylinealcantara

Bukod sa tampuhang ito, nabuking din ang selosan sa pagitan nina Mavy at Kyline.

Tanong ni Carmina sa "Trip to the Hot Seat" segment ng Sarap, 'Di Ba?, "Sino ang mas madalas magselos sa inyo ni Kyline?"

Makikitang nahirapan sumagot si Mavy bago niya sagutin na "siya."

Sinorpresa naman si Mavy ng Sarap, 'Di Ba? sa pagdating ni Kyline sa set at siya ang nagpaliwanag kung bakit siya ang mas nagseselos.

Sagot ni Kyline kay Carmina, "Ako po, kasi naman... Ang gwapo naman po kasi ng anak ninyo. Mabait din naman at gentleman. So may ibang tao lang po talaga na nate-take siya in a different way."

Panoorin ang mga naganap sa Sarap, 'Di Ba?

SAMANTALA, BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MAVY AT KYLINE: