GMA Logo Mavy Legaspi
Photo by: mavylegaspi IG
What's Hot

Mavy Legaspi, nais pumasok ulit sa Bahay ni Kuya?

By Kristine Kang
Published April 22, 2025 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Teen from Negros Occidental turns violent after getting into online gaming
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi


Bakit kaya gustong makasama muli ni Mavy Legaspi ang PBB housemates? Alamin dito.

Patuloy na umiinit ang tensyon sa viral television show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng ilang PBB housemates at sa nalalapit na eviction night, mas ramdam ang pressure at tensyon ngayon sa loob ng Bahay ni Kuya.

Naging mainit din sa social media ang iba't ibang moments ng Kapuso at Kapamilya housemates. Ang netizens, aliw na aliw magbahagi ng kanilang reaksyon at nakakatawang memes.

Isa sa mga nakisaya online ay ang Kapuso PBB host na si Mavy Legaspi.

Sa isang Instagram story, nag-post ang Sparkle star ng throwback photo niya sa confession room noong siya'y naging houseguest ng programa.

Kasama ng larawan ang kanyang mensahe kay Kuya, "Pasok niyo po ulit ako sa bahay niyo po. Medj umiinit na ang panahon. Lalo na sa loob ng bahay niyo po. Thanks po," sabi ni Mavy.

Naglagay rin ang Kapuso star ng isang peace symbol sa kanyang mensahe para kay Kuya.

Photo by: mavylegaspi IG

Simula nang pumasok at lumabas si Mavy sa Bahay ni Kuya, hindi nagbago ang kanyang suporta para sa celebrity housemates.

Ibinahagi rin ng host-actor kung gaano siya ka-proud na mapanood ang kanyang mga kaibigan na nagtutulungan at nalampasan ang weekly tasks.

Labis ang pasasalamat ni Mavy sa mainit na pagtanggap ng viewers sa programa.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Bahay ni Kuya sa All-Access Livestream ng programa sa GMANetwork.com Full Episodes.

Samantala, kilalanin ang iba pang Kapuso at Kapamilya houseguests ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: