
Naging emosyonal ang pagpapaalam ni Mavy Legaspi sa kanyang mga magulang bago sumabak sa lock-in taping ng teleseryeng I Left My Heart In Sorsogon.
Sa Instagram post ng kanyang amang si Zoren Legaspi, makikitang nagpupunas ng luha ang young actor habang yakap-yakap siya ng kanyang ama.
Saad ni Zoren sa kanyang caption: "It's hard to let this guy go to spread his wings.. Come back with a wider and longer wingspan.
"Always pray at night and when you wake up.
"I love you as my son and as my friend."
Nag-post din ang kanyang kakambal na si Cassy Legaspi ng Instagram story, kalakip naman ang caption na: "Goodluck Sebastian!" na tumutukoy sa pangalan ng karakter ni Mavy sa I Left My Heart In Sorsogon.
"It's your time to shine!" dagdag pa niya.
Makikitang emosyonal din ang kanyang inang si Carmina Villaroel sa Instagram story na in-upload naman ni Mavy.
"I'll be back, fam. Time to spread 'em wings.
"Yes, mom cried. I love you," sulat ni Mavy sa kanyang caption.
Sasalang sa month-long lock-in taping si Mavy kasama ang iba pang cast ng I Left My Heart In Sorsogon.
Gaganap siya bilang half-brother ni Heart Evangelista at makakapareha niya rin dito si Kapuso Breakout Star Kyline Alcantara.
Nito lang July 6, inamin ng batang aktor na isang "dream come true" para sa kanya ang makatrabaho si Kyline.
“Nabanggit ko nga in my past interviews na si Kyline talaga 'yung gusto kong makasama sa isang serye, sa first serye ko ever 'cause of the relationship that we have, the friendship that we have that already exists.
“So I'm just very happy and excited na siya 'yung magiging partner ko rito sa show," pag-amin ni Mavy.
Bukod sa naturang upcoming teleserye, mapapanood din si Mavy sa comedy-gag-variety show ng GTV na FLEX kasama sina Lexi Gonzales, Joaquin Domagoso, and Althea Ablan. Kilalanin silang apat sa gallery na ito: