GMA Logo Mavy Legaspi
What's Hot

Mavy Legaspi on his showbiz career: 'Masaya kasi may career path na ako na solo'

By Maine Aquino
Published October 14, 2021 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi


Inamin ni Mavy Legaspi na excited na siya sa kaniyang project na magpapakita ng kaniyang galing sa pag-arte.

Inamin ni Mavy Legaspi na masaya siya sa itinatakbo ng kaniyang showbiz career.

Kamakailan lang ay nagkaroon na ng mga solo projects ang kambal nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Mapapanood soon si Mavy sa I Left My Heart in Sorsogon at si Cassy Legaspi naman ay nagpakita na ng kaniyang husay sa pag-arte sa First Yaya.

Saad ni Mavy sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan ngayong araw (October 14) na masaya siya na naipapakita na niya ang kaniyang mga talento.

Photo source: @mavylegaspi

"Masaya kasi may career path na ako na solo. Si Cassy may career path na rin," sabi niya.

Ayon pa kay Mavy, natutuwa siya na sa mga nauna niyang mga proyekto ay kasama niya ang malalapit sa kaniyang buhay. "I am very happy and siyempre 'yung first projects ko kasama ko 'yung mga close sa aking buhay."

Para sa Kapuso star, nae-excite na siyang ipakita ang kaniyang pagganap bilang Basti sa I Left My Heart in Sorsogon.

"I am very happy and I am very excited na you'll get to watch I Left My Heart in Sorsogon very soon."

Bago ang I Left My Heart in Sorsogon, mapapanood si Mavy sa Sarap, 'Di Ba? sa kanilang pagbabalik studio simula ngayong October 16, 10:00 a.m. sa GMA Network.

Sa mga nais sumali sa Kapuso Brigade, mag-message lamang sa social media accounts ng Kapuso Brigade sa Facebook, Instagram, at Twitter.

RELATED CONTENT:

Sarap, 'Di Ba? heads back to studio this Saturday; launches new, exciting segments