GMA Logo Mavy Legaspi
Celebrity Life

Mavy Legaspi on the girl who makes him happy: "She gives me butterflies"

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 18, 2021 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi


Sino ba kasi siya, Mavy?!

"Secret po muna hehe."

Ito ang tugon ni Mavy Legaspi nang tanungin ng GMANetwork.com kung sino ang babaeng tinutukoy niya sa kanyang mga post sa Instagram.

Noong June 14, ibinahagi ni Mavy ang isang larawan kung saan hinahawak ng isang babae ang kanyang dimple.

Sulat ni Mavy sa caption, "They say, 'happiness is having dimples' but to me, happiness is being around her."

Dahil sa caption, marami ang nagtatanong kung sino ba ang "her" na tinutukoy dito ni Mavy.

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)

Makalipas ang dalawang araw, ibinahagi ni Mavy ang larawan ng isang babae habang tinatakpan niya ang dimple nito.

Maikling caption ni Mavy, "her. her smile. her dimples. yup, that's the post."

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)

Hinulaan naman ng netizens na ang babaeng tinutukoy ni Mavy ay si Kyline Alcantara, na nakakasama ni Mavy sa Sunday variety show ng GMA na All-Out Sundays.

Hindi naman sumasagot si Mavy sa mga komento ng netizens pero sinabi niya sa GMANetwork.com na nagbibigay inspirasyon sa kanya ang babae.

Pag-amin ni Mavy, "All I can say is that she's an inspiration to me. She gives me butterflies."

Meanwhile, check out the Legaspi family's quarantined life in this gallery: