
Isang sweet na birthday message ang ipinost ni Mavy Legaspi para sa kaniyang mommy na si Carmina Villarroel.
Ngayong araw, August 17, ay ang birthday ng Kapuso actress at Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition host.
Sa kaniyang Instagram stories, ibinahagi ni Mavy ang kanilang photo ni Carmina kasama ang isang sweet na mensahe.
Saad ng young actor, "Happy birthday, momma!
"I'll love you forever. I'll like you for always, as long as I'm living, my mommy you'll be. I love you @minavillarroel."
Photo source: @mavylegaspi
Ipinakita naman ni Carmina ang kaniyang regalong natanggap mula kay Mavy.
Photo source @mina_villarroel
Saad ni Carmina sa video habang ipinapakita niya ang regalo ni Mavy, "Beautiful flowers from my favorite son, Mavy. Thank you, Kuya Mavy, my Pooh bear. I love you!"
Ibinahagi ni Carmina sa kanyang vlog kamakailan ang natanggap niyang dalawang birthday surprises mula sa kaniyang mga kapatid bago mag-ECQ.
Tingnan ang showbiz career ni Carmina sa gallery na ito: