
Isa sa pinakasikat na love team ngayon ng Sparkle sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
Dahil sa umaapaw na kilig na ibinibigay on-screen, lalo na sa katatapos na GMA series na I Left My Heart in Sorsogon, maraming fans ang sabik na malaman kung ano nga ba ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Sa press interview, sinabi ni Mavy na nasa status sila ngayon ni Kyline kung saan ini-enjoy nila ang lahat ng dahan-dahan.
"The status right now ang masasabi ko lang we're really taking it slow. Ini-enjoy lang talaga namin each other's company because we have this whole career ahead of us and we are really just excited to get things started, specially kaka-launch lang namin as a love team," pagbabahagi ng aktor.
Dagdag ni Mavy, "Pero behind all the glitz and glam, and all the showbiz talk, we're really just enjoying our company and we're really taking it slow. It's really a good thing kasi alam ko na seryoso ako pagdating sa ganu'n. Alam ko rin na seryoso rin si Kyline and that's enough for me."
Ibinahagi rin ni Mavy kung gaano kaespesyal para sa kanya si Kyline. Aniya, ang aktres ang pinakamalapit na kaibigan niya sa showbiz.
"Definitely super special si Kyline para sa akin in all cases. Pagdating sa pagtulong n'ya sa akin sa acting because she's been acting for so long. Besides being a partner, she's really the closest friend I have in the industry. Alam n'ya lahat ng struggle ko inside and outside the showbiz. She's very important and special to me," sabi ni Mavy.
Ayon kay Mavy, marami pang dapat abangan ang MavLine fans sa mga susunod nilang proyekto sa GMA.
Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa gallery na ito: