
Mapapanood na rin ang family drama series na Hating Kapatid, na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, tuwing Sabado simula sa susunod na linggo.
Sa "Chika Minute" report ni Athena Imperial para sa 24 Oras, masaya si Cassy sa reaksyon at mga papuring natatanggap ng show mula sa manonood.
"Very, very overwhelming pero nakaka-proud din especially sa Hating Kapatid family, and especially sa prod, I feel like we deserve it, grabe napaka-hardworking. And I believe our story is very interesting, lalo na ngayon, at grabe 'yung pacing ng story ng Hating Kapatid. Wow ang bilis! Pati 'yung mga netizens of the nation, naloloka na, 'Ay! Oh my gosh, nabuking na' ganito, ganyan," pagbabahagi ng aktres.
Ayon pa kay Cassy, mayroong mga hindi inaasahang mangyayari mula sa nakasanayang good image ng role niyang si Belle.
Aniya, "As in 'yung 'Ha? talaga? sure ba? really?' Very, very shocking."
Bukod ito, mayroong pahapyaw si Mavy tungkol sa sorpresang aabangan ng mga manonood sa kanilang serye.
"You never know, may papasok na ibang character or isang character na very.. kilalang-kilala. 'Yung storyline na 'yun, very exciting, very eventful," ani ng aktor.
Patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video sa ibaba.
RELATED GALLERY: Stellar cast ng 'Hating Kapatid,' ipinakilala sa media conference