
Labis ang pasasalamat ni Mavy Legaspi matapos ipalabas kahapon ang finale episode ng pinagbibidahan niyang serye na Hating Kapatid.
Bumida rin sa nasabing serye ang magulang ni Mavy na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, pati ang twin sister nito na si Cassy Legaspi.
Sa Instagram, ibinahagi ni Mavy, na gumanap bilang Tyrone, ang ilang photos niya kasama ang kanyang co-stars sa set ng Hating Kapatid, at nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa serye.
“Tyrone signing off. Salamat sa lahat ng sumuporta at sumubaybay sa Hating Kapatid. Every view, every cheer—random ko. Ramdam namin. Thank you for loving Tyrone as much as I love giving life to this character. This is just the beginning,” sulat niya.
Sa comments section, pinuri ni Hating Kapatid director Adolf Alix Jr. si Mavy dahil sa husay nito sa serye at nagpasalamat ang aktor sa una dahil sa paggabay nito sa kanya.
PHOTO COURTESY: @mavylegaspi (Instagram)
Proud din ang seasoned actress na si Glenda Garcia, na gumanap bilang Jacinta, sa galing ni Mavy sa serye.
“So proud of you, [my] Tyrone! I will surely miss you,” comment ni Glenda.
Related content: Fun facts about Mavy Legaspi