
Bumibida ang Sparkle actor na si Mavy Legaspi sa bagong family drama series na Hating Kapatid, kung saan kasama niya ang kanyang magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, at twin sister na si Cassy Legaspi.
Sa katunayan, malapit na siyang lumabas sa naturang afternoon drama series, pati ang kanyang twin sister na si Cassy Legaspi.
Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, labis ang saya ni Mavy sa kanyang pinagbibidahang serye.
“I'm very proud [and] I'm very happy with this show. And sana tuloy-tuloy lang,” pagbabahagi niya.
Bukod sa Hating Kapatid, muling mapapanood si Mavy bilang isa sa hosts ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Ayon sa report, sumailalim pa ang aktor sa hosting workshop bilang paghahanda sa bagong season ng reality TV series.
"To help improve my hosting for this season, of course, siyempre, bilang host or bilang aktor, there is always room for improvement. So, of course, we all want to give everyone a better show this season," aniya.
RELATED GALLERY: Stellar cast ng 'Hating Kapatid,' ipinakilala sa media conference