
Sa kabila ng isyung hiwalay na ang dalawa, magkasamang ipinagdiwang ng Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno ang second birthday ng anak nilang si Skye Anakin noong July 6.
Matapos ang selebrasyon ng kaarawan ni Skye kasama ang celebrity friends ni Max sa isang hotel, nag-post si Pancho ng videos ng ikalawang birthday party ng kanilang anak ng aktres sa bahay.
Sa latest post ni Max, makikita ang larawan nilang pamilya.
Marami naman ang kinilig matapos makitang magkakasama muli sina Max, Pancho, and Skye.
Samantala, narito ang iba pang larawan mula sa second birthday celebration ng panganay nina Max at Pancho: