
Masasabing magpahanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin sa kaugaliang Pilipino ang paniniwala sa konsepto ng usog o balis.
Ngayong Sabado, tampok sa "Wish Ko Lang: Usog!" ang kuwento ng mag-asawang Lailyn at Dave na naghihinalang usog ang dahilan kung bakit bigla na lamang silang nagkasakit.
Bibigyang buhay nina Max Collins at Arvic Tan ang kuwento ng mag-asawang Lailyn at Dave. Makakasama rin nila sa episode na ito sina Cheska Iñigo (Lilia), Dexter Doria (Loida), Lola Ube (Carmen), at Naia Black (Dyosa).
Sa pakikipanayam sa paranormal expert na si Ed Caluag, ikinuwento ni Lailyn ang nangyari sa kanilang mag-asawa. Aniya, "Noong hatinggabi, doon sa asawa ko nanginginig na po talaga siya. Kinaumagahan, ang sakit ng tiyan ko."
Agad na sabi naman sa kanya ni Ed, "Actually ma'am, sa totoo lang po 'di ako mapakali kanina pa. May nakikita akong anino na sumusunod sa inyo."
Base sa trailer na inilabas ng Wish Ko Lang, tila nagustuhan ng matandang magkapatid na sina Loida at Carmen ang asawa ni Lailyn na si Dave. Bago lamang na naninirahan sa kanilang lugar ang dalawang matandang magkapatid.
Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Usog!" ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga manonood abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG SEXIEST LOOKS NI MAX COLLINS SA GALLERY NA ITO: