
Sa Tadhana "The Stepdaughter" finale, magbabalik si Isabel (Max Collins) sa Pilipinas, at isang bagay lang ang mahalaga sa kanya -- ang pabagsakin sina Betty (Geneva Cruz) at Noah (Rafael Rosell).
Malaki man ang ipinagbago niya ay nanatili pa rin ang pagmamahal ng dating nobyo niyang si Noah para sa kanya. Kaya naman gagamitin ni Isabel si Noah upang siraan ang kanyang madrasta na si Betty.
Alin ang mas mananaig sa puso ni Isabel -- paghihiganti o pagpapatawad? Magkaayos pa kaya sila ni Noah?
Huwag palalampasin ang mas matapang na karakter nina Max Collins, Geneva Cruz, Rafael Rosell, Angela Alarcon at Yesh Burce!
Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: The Stepdaughter finale ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7!
Tingnan ang beach babe pictures ni Geneva Cruz:
Tingnan ang sexiest looks ni Max Collins: