Celebrity Life

Max Collins at Pancho Magno, hands-on kay baby Skye Anakin

By Dianara Alegre
Published August 28, 2020 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

max collins and pancho magno


Ayon kay Pancho Magno, ngayon pa lang ay nakikita na niyang “mama's boy” ang baby nila ni Max Collins na si Skye Anakin.

One month old na si Baby Skye Anakin Magno, ang firstborn nina Kapuso couple Pancho Magno at Max Collins.

Lagi ring laman ng social media accounts ng dalawa ang mga cute na larawan at videos ni Skye.

Max Collins and Skye Anakin

Max Collins and Skye Anakin / Source: maxcollinsofficial (IG)

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Pancho na hands-on umano sila sa pagdating sa pag-aalaga sa baby boy nila.

Si Max ay committed sa pagbe-breastfeed kay Skye habang nakatuon din ang atensyon ni Pancho sa mga pangangailangan ng kanilang anak.

Ayon sa aktor, “Lagi siyang nakadikit. Sobrang Mama's boy, e.

"Pero kapag ako nagpapaligo, nagpapalit ng diaper, tina-try ko kung ano man 'yung magagawa ko, except sa breastmilk.”

Dagdag pa niya, malaking bagay umano na sanay silang mag-asawa sa pagpupuyat dahil sa uri ng trabaho nila.

“Pinag-uusapan nga namin, "Buti artista tayo 'no? Kasi sanay tayo sa puyatan." Nakatuwa naman,” lahad pa niya.

Pancho Magno Max Collins and Skye Anakin

Pancho Magno, Max Collins and Skye Anakin / Source: magnopancho (IG)

Samantala, naghahanda na si Pancho sa pagbabalik-trabaho, matapos ang ilang buwang quarantine dahil sa COVID-19.

“Nandu'n 'yung hindi mo alam kung anong mangyayari. Nakakatakot but nag-swab testing kami and I do take my vitamins everyday din naman.

“Nag-e-exercise, siyempre, kailangan maging healthy, lalo na ngayon may baby na sobrang healthy,” dagdag pa niya.

Isinilang ni Max ang first baby nila ni Pancho noong July 7.