
Sa Tadhana: Ma'am, isang May-December love affair ang mabubuo sa mga karakter nina Max Collins at Yasser Marta.
Buong akala ni Third (Yasser Marta) ay bagong simula ang naghihintay sa kanya sa muling pagbalik sa Pilipinas kasama ang fiance na si Feliz (Liezel Lopez.)
Pero ang happy honeymoon sana ng dalawa, mauuwi sa isang unexpected reunion.
Ang 'the one that got away' kasi ni Third na si Helena (Max Collins) ay muli niyang makikita. Bumalik kaya ang dating nararamdaman nila sa isa't isa?
Samantala, dahil sa takot ni Feliz na mawala sa kanya si Third, ay gumawa siya ng paraan upang mapalayo si Thirdy kay Helena.
Ngunit tila mabubuhay muli ang pag iibigan nina Helena at Third.
Makuha na kaya nina Helena at Third ang 'closure' na ipinagkait noon ng tadhana sa kanila?
Huwag palalampasin ang mas matitinding eksena nina Max Collins, Yasser Marta, Liezel Lopez, Samantha Lopez, Lovely Rivero, Anjay Anson, Celine Fajardo, Ced Torrecarion, Khalid Ruiz at TikTok star Janio.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Ma'am sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook at YouTube livestream.