GMA Logo Max Collins at Yasser Marta
What's on TV

Max Collins at Yasser Marta, may student-teacher romance sa 'Tadhana: Ma'am'

By Bianca Geli
Published November 16, 2024 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins at Yasser Marta


Isang estudyante ang mai-in love sa kanyang magandang teacher sa 'Tadhana: Ma'am.'

Sa Tadhana: Ma'am, isang pasaway at maangas na binata ang pagkakakilala ni Helena (Max Collins) sa kanyang estudyante na si Third (Yasser Marta).

Pero magbabago ang kanyang pagtingin sa binata matapos siyang iligtas nito mula sa mapanakit niyang ex-husband na si Alfonso (Ced Torrecarion).

Ipagtatanggol ni Third si Helena laban sa dati nitong asawa, at dito lalong magkakalapit ang dalawa.

Sundan ang kuwento ng Tadhana: Ma'am ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.