GMA Logo Max Collins and Cheska Iñigo
What's Hot

Max Collins, bakit nag-alinlangang tanggapin ang role sa 'Wish Ko Lang'?

By Aimee Anoc
Published January 27, 2023 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins and Cheska Iñigo


Tampok ngayong Sabado sa bagong episode ng 'Wish Ko Lang' ang paniniwala ng mga Pilipino sa konsepto ng usog o balis.

Inamin ni Max Collins na medyo nag-alinlangan siyang tanggapin noong una ang role sa bagong episode ng Wish Ko Lang.

Tampok sa Wish Ko Lang: Usog! ang kuwento ni Lailyn, na gagampanan ni Max, na naghihinalang usog ang dahilan kung bakit bigla na lamang siyang nagkasakit at ang kaniyang asawa.

Kuwento ni Max, "Yung taping namin super fun even though in the beginning medyo hesitant ako na tanggapin 'yung role because may pagka-horror siya and I'm scared of like horror movies. Medyo takot ako kasi sa gubat din kami nag-taping kaya I didn't know what to expect."

Pero paglilinaw ni Max, may takot man noong una dahil sa kuwento ng bagong episode ay napalitan ito ng saya sa set dahil na rin sa mga artistang nakatrabaho niya.

"But to be honest it was fun because magaan katrabaho 'yung mga kasama ko like Ms. Cheska [Iñigo], she's so funny. Si Ate Cheska, she always brings snacks on set, so pampa-happy. She has this big box full of like chocolates, chips, basta ang sarap ng mga dala n'ya so nakaka-good vibes. Nakaka-happy 'di ba kapag may pagkain, so that was one thing that I was happy about sa set," sabi ni Max.

Dagdag niya, "At saka 'yung mga scary situations nagiging funny kapag kilala mo lahat 'yung artista. So hindi talaga nakakatakot 'yung taping but nakakatakot 'yung story, 'yung mga makikita n'yo sa episode because there are like some scary things that will happen sa episode. So look out for that."

Bukod kay Cheska, makakasama rin ni Max sa bagong episdoe sina Arvic Tan (Dave), Dexter Doria (Loida), Lola Ube (Carmen), at Naia Black (Dyosa).

Ayon kay Max, isang karangalan para sa kaniya na gampanan ang kuwento ni Lailyn. Aniya, "I tried my best. Sobrang excited ako na mapanood ng lahat 'yung story mo [Lailyn], story n'yo ni Dave, nakaka-excite talaga. Kakaiba talaga si Lailyn, fighter siya and you will see that sa episode namin sa Saturday."

Huwag palampasin ang Wish Ko Lang: Usog! ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG SEXIEST LOOKS NI MAX COLLINS SA GALLERY NA ITO: