GMA Logo Max Collins Pancho Magno
What's on TV

Max Collins confirms separation with Pancho Magno

By Jimboy Napoles
Published May 29, 2023 6:06 PM PHT
Updated May 30, 2023 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins Pancho Magno


Max Collins on failed relationship with Pancho Magno: “Nilaban namin hangga't kaya ng mga puso namin.”

Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ng aktres na si Max Collins sa Fast Talk with Boy Abunda na matagal na silang hiwalay ng aktor at dating asawa na si Pancho Magno.

Matatandaan na matagal na naging tahimik sina Max at Pancho sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa pagsalang ni Max sa isang panayam kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda, kinumpirma ng aktres ang hiwalayan nila ni Pancho.

Kuwento niya, “We split up a long time ago during the pandemic and we didn't talk about it because marami kaming pinagdaanan as a family that time, there was a pandemic, nanganak ako, our marriage was falling apart.

Ayon kay Max, pinili nilang huwag munang isapubliko ang kanilang desisyon na paghihiwalay upang makaiwas sa mga opinyon ng ibang tao.

“I had to process everything and I wanted to quiet the noise, I didn't want to hear other people's opinions, suggestions, comments, because artista na po ako 'di ba so ayoko naman gawing teleserye 'yung buhay namin. We decided to keep quiet about it.”

Aminado naman si Max na hindi naging madali ang kanilang paghihiwalay ni Pancho pero nagkasundo sila na ito ang mas magandang gawin upang manatiling magkaibigan at maging mabuting magulang para sa kanilang anak.

Aniya, “I think every separation naman is difficult but it was amicable. We were not working and we needed to try spending time apart to see how that would work because we have a son to think about and to be honest in order to have a happy child his parents should be happy, it is very important.”

Paglilinaw ni Max, pinilit din nila ni Pancho na ayusin pa ang kanilang relasyon.

“Tito Boy we've been together for like eight years total? Nilaban namin hangga't kaya ng mga puso namin in a sense na dumating 'yung point na we stop becoming in denial about it,” ani Max.

Pag-amin pa ni Max, ngayon lang nila napiling magsalita tungkol sa kanilang naging hiwalayan. Sa katunayan, aprubado rin ni Pancho ang pagsalang ni Max sa interview kasama si Boy.

“I'm ready to talk about it now because we're in a good place. I actually got his blessing to do this interview with you,” anang aktres.

Sa ngayon, maayos naman ang relasyon nina Max at Pancho lalo na sa kanilang co-parenting set-up sa kanilang anak na si Skye.

Aniya, “We're in a very good place now our child is almost three [years old] and he is very happy, and healthy and we're so blessed that we have a very good co-parenting relationship with the best of friends, we're closer now.”

Panoorin ang interview ni Max:

Taong 2017 nang ikasal sina Max at Pancho at nagkaroon sila ng anak na si Skye taong 2020.

Samantala, mapapanood naman si Max sa upcoming action-comedy series ng GMA na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG SWEET MOMENTS NINA MAX COLLINS, PANCHO MAGNO, AT KANILANG ANAK NA SI SKYE SA GALLERY NA ITO: