
Nais raw ipamalas ni Kapuso actress na si Max Collins ang malaking pagbabago sa kanyang pag-arte sa reunion project nila ng direktor na si Don Michael Perez.
Unang nakatrabaho ni Max ang Kapuso director sa 2014 TV series na Inamorata, na kasalukuyang napapanood sa GMA AFternoon Prime.
Magkakatrabaho silang muli sa upcoming GMA Telebabad series na To Have And To Hold.
Matapos ang contract renewal ni Max noong July 9, eksklusibong siyang nakapanayam sa GMA media.
Dito, nabanggit ng 28-year-old actress na gusto niyang ipakita sa kanyang direktor ang malaking improvement sa kanyang acting skills sa mga nakaraang taon.
Sabi ni Max, “I really want to make him proud. The nice thing about Direk Don is that he really gives us the confidence to trust our gut bilang mga artista.
“He really helps us to collaborate and brings out the best in every scene, so that's why it's been such a fun process.”
Bukod kay Max, bibida rin sa To Have And To Hold sina Carla Abellana at Rocco Nacino.
Ayon sa aktres, na gaganap na Dominique sa soap, magaan katrabaho ang dalawa co-actors niya sa unang leg ng kanilang lock-in taping.
“Masaya kasi, it was really surprisingly easy to get comfortable sa kanila
"Kasi, si Rocco naman nakatrabaho ko na naman siya before sa The Good Daughter and sa Sunday All Stars, so I know him enough to be comfortable with him sa mga eksena namin.
“And si Carla, naman it's my first-time working with her, so I didn't know that she's just such a nice person, napakabait talaga ni Carla and ang sarap niya ka-eksena.
“I really enjoyed all my scenes sa kanilang dalawa and surprisingly nga it was just a really easy-easy experience and nag-enjoy talaga kami.
"Also because I've really work with Direk Don Michael Perez sa Inamorata and it's nice na makakatrabaho ko siya uli sa To Have And To Hold.”
Source: GMA Network and GMA Drama (FB)
Silipin ang ilan sa mga aabangang eksena sa To Have And To Hold:
Related content:
Max Collins turns emotional as she renews her contract with GMA-7, her home network for 10 years
Max Collins, nilinaw kung bakit doble ang birthday celebrations ni Baby Skye