GMA Logo Tadhana
What's Hot

Max Collins, Geneva Cruz, at Leandro Baldemor bibida sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published March 5, 2022 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Cebu province, Cebu City suspend classes for Monday, January 19, 2026
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana


Mag-aagawan ang madrasta at ang kanyang stepdaughter sa iisang lalaki.

Sa episode ng Tadhana ngayong Sabado, dalawang bagay lang ang importante kay Betty (Geneva Cruz) -- ang kanyang pinyahan at nobyong si Anton (Leandro Baldemor).

Kahit ayaw niya na magkaroon ng anak ay tatanggapin niya si Isabel (Max Collins), ang nag-iisang supling ni Anton.

Dahil sa isang pangyayari, mapipilitan si Isabel na iwanan ang pinyahan pati na ang kanyang boyfriend na si Noah (Rafael Rosell) para magtrabaho sa Maynila.

Pero habang abala siya sa paghahanap ng trabaho ay unti-unti ring nahuhulog ang loob ni Noah sa pang-aakit ni Betty!

Sa pagbabalik niya sa pinyahan, ano ang gagawin ni Isabel para gumanti sa mga taong sumira sa kanyang buhay?

Huwag palalampasin ang natatanging pagganap nina Geneva Cruz, Max Collins, Rafael Rosell, Leandro Baldemor, Yesh Burce, at Angela Alarcon.

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: The Stepdaughter ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7!