GMA Logo Max Collins
Source: maxcollinsofficial/IG
What's on TV

Max Collins, handa nang ma-in love ulit?

By Kristian Eric Javier
Published April 3, 2025 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins


Matapos ang ilang taon na pagiging single, may nagpapatibok na ba ulit ng puso ni Max Collins?

Ilang taon matapos magkahiwalay nina Max Collins at Pancho Magno, aminado ang aktres na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya handang ma-in love ulit. Sa katunayan, sinubukan niyang makipag date ngunit nilinaw na hindi na siya dating at single uli ngayon.

Sa pagbisita ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 2, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Max kung handa na ba itong muling ma-in love.

Ang unang sagot ng aktres, “I don't know about super ready, I feel like [I'm] open to it.”

Ngunit nang hingan siya ng batikang host kung ano ang mensahe niya sa future boyfriend, hindi makapagsalita ang aktres at sa halip, nasabi lang niya na hindi pa pala siya ready.

“You better keep up. That's it. I don't know, I don't know, Tito Boy, to be honest. I don't know what to say, I'm not ready for it. Hindi pala ako ready, hindi pala ako ready,” natatawang sabi ng aktres.

Sinabi rin ng aktres na mas pinipili niyang maghintay ng tamang tao na mamahalin dahil “I feel like the more you're searching for it, the more it won't find you.”

Samantala, tinanong din siya ni Boy kung ano ang ibig sabihin ng mga kataga niya na sana umabot sa lebel niya ang magiging future boyfriend niya.

Paliwanag ni Max, “Kasi Tito Boy, 'yung feeling ko, sometimes they say na maghanap ka ng rich man, ganu'n or something na mapapangasawa mo. I mean, that's the quote-unquote princess fairytale. Ako, I want to be the rich man. So ako, 'yung rich man. I'm not looking for anyone to complete me, it's just if someone can add value to my life, then go.”

Nilinaw din ng aktres na hindi niya kailangan ng financial support at sa halip, ay maraming factors para piliin niya ang isang tao para mahalin niya.

“Like there's a lot of things, like the way I'm treated, parang that's a big thing for me na if somebody who really loves me would really take into consideration my career, my son, a lot of things,” sabi ni Max.

Nang tanungin naman siya ng batikang host kung may nagpaparamdam na artista sa kaniya, ang sagot ng aktres, “Artista, no. Ayoko na ng artista. Sorry, guys.”

Saad ng aktres, masyadong magulo kapag artista ang naging karelasyon niya lalo na nadadala nila ang pagiging artista at roles nila sa teleserye sa totoong buhay.

SAMANTALA, TINGNAN ANG CELEBRITIES NA PINILING MAGKAROON NG NON-SHOWBIZ PARTNERS SA GALLERY NA ITO: