GMA Logo Max Collins
What's on TV

Max Collins, nagpapasalamat sa high ratings ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis'

By Dianne Mariano
Published July 28, 2023 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins


Taos-puso ang pasasalamat ng Kapuso actress na si Max Collins dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings ng action-comedy series na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Patuloy na namamayagpag sa ratings ang Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Matatandaan na nakapagtala ang 8th episode ng nasabing programa, na ipinalabas noong July 23, ng 11.4 percent ratings, ayon sa NUTAM People Ratings.

Punong-puno naman ng pasasalamat ang Kapuso star na si Max Collins, na gumaganap bilang Elize Riego De Dios, dahil sa mataas na ratings ng kanyang pinagbibidahang serye at sa patuloy na suporta ng mga manonood.

“I'm so thankful that are ratings are good. Sana we have a season two because I super enjoyed working with the whole cast of Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. So maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa amin at maraming kaabang-abang na eksena, action, at the same time, maraming rebelasyon na darating,” pagbabahagi niya sa GMANetwork.com sa naganap na GMA Gala 2023.

Sa 8th episode ng naturang programa, matatandaan na lumabas na ang tunay na kulay ni Elize. Siya rin ang tumapos sa buhay ni Chester, o Mukha, nang barilin niya ito gamit ang sniper rifle habang kinukuwestiyon ito nina Tolome, Style, at Pretty tungkol kay Ulo at sa Brainwash Inc.

Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.

TINGNAN ANG STUNNING LOOKS NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS CAST SA GALLERY NA ITO.