GMA Logo Max Collins, Skye
Source: maxcollinsofficial (IG)
Celebrity Life

Max Collins, payag mag-artista ang anak na si Skye sa isang kondisyon

By Kristian Eric Javier
Published April 12, 2026 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From quirky tarpaulins to packed stands: Barbie San Andres grateful for staying at Mapua
A closer look at BINI's Coachella outfits
Reverse text challenge: Marco Masa and Sean Lucas | Huwag Kang Titingin

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins, Skye


Handa na ba si Max Collins na ipasok ang anak na si Skye sa showbiz?

Bilang mga aktor, hindi maiwasan ma-expose nina Max Collins at Pancho Magno ang anak na si Skye sa mundo ng showbiz. Sa katunayan, madalas makita ng kanilang anak ang pagkuha ng litrato sa kanila.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 7, ibinahagi ni Max na alam ng anak nilang si Skye na sikat siya.

Pagbabahagi ni Max, “He knows kasi he's always like, 'Mommy, why is everyone taking a picture with you sometimes?' and then nagagalit siya. And I say, 'Skye, you know, mommy is like a cartoon, you see the cartoons? You like the cartoons? Parang I'm like a cartoon.'”

At dahil bata pa lang ay naiintindihan na ito ng anak, ngayon daw ay gusto na rin nito sumasama sa mga litrato.

“He's like, 'Can I be part of the picture? Are they my fans, mommy?' He likes it, he likes it, the thought. And he's very bibo kasi. Ako, hindi ako bibong bata e,” sabi ni Max.

Papayagan daw ni Max na mag-artista si Skye ngunit sa panahon lamang na hindi niya kailangan maging stage mom sa anak.

“I feel like kapag medyo malaki na siya, [when] he can take care of himself. Kasi I don't want to be the nanay na nag-aantay, nagagalit, 'Ano'ng oras na? Ano ba 'yan, ilang eksena pa ba?' I don't think I wanna be that mom,” sabi ni Skye.

Ngunit pag-amin ng The Master Cutter star, tingin niya ay lalabas din ang interes ni Skye rito dahil tuwing nagme-memorize sila ng script ni Pancho, nakiki-memorize rin ang anak nila. Sa katunayan, minsan, hinihiram pa umano ni Skye ang script nila para i-memorize.

“He'll memorize it, he'll hear us memorize, and then parang nagme-memorize din siya. So feeling ko, eventually, lalabas din 'yung parang interest in it,” sabi ni Max.

Paglilinaw naman ni Max, ang mga ganitong malalaking desisyon, tulad na lang ng pagpasok ni Skye sa showbiz, ay pinag-uusapan pa rin nila ni Pancho.

Panoorin ang panayam kay Max dito:


KILALANIN ANG CELEBRITY KIDS NA PARTE NA RIN NG SHOWBIZ NGAYON SA GALLERY NA ITO: