
Ngayong taon ay mapapanood na ang pinakabagong action-comedy series ng GMA, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Ang nasabing programa ay pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.
Kamakailan lamang ay sumailalim sa 'look test' ang ilang cast members ng serye para sa kani-kanilang mga gagampanang karakter at kabilang dito si Max.
Sa Instagram, ibinahagi ng versatile actress ang isang video, kung saan makikita ang behind the scenes ng kanyang look test.
Sulat ng aktres sa caption, “Trying to figure out where this character is going to go. The aesthetics of it all is always the fun part. #WalangMatigasnaPulissaMatiniknaMisis #ElizeRiegoDeDios #ComingSoon.”
Bukod kay Max, ibinahagi rin ni Beauty sa kanyang Instagram account ang isang video, kung saan siya ay naghahanda para sa look test ng kanyang karakter sa serye na si Gloria, ang misis ni Tolome (Bong Revilla Jr.)
Kabilang din sa stellar cast ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sina Sparkle stars Kate Valdez, Kelvin Miranda, at Raphael Landicho. Ipinakikilala rito ang Kapuso actress na si Angel Leighton.
Makakasama rin sa nalalapit na action-comedy series ang mga batikang aktor na sina Niño Muhlach, Ronnie Ricketts, ER Ejercito, Maey Bautista, at Dennis Marasigan.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.