Article Inside Page
Showbiz News
Nagkuwento ang Kapuso actress tungkol sa natanggap niyang text messages na nagbabanta sa kanyang buhay. Ito raw ang naging dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa 100 Sexiest Victory Party.
By BEA RODRIGUEZ
Photo by: @maxcollinsofficial (IG)
Number nine sa listahan ang sexy actress na si Max Collins sa FHM 100 Sexiest ngunit isa siya sa mga hindi nakadalo sa victory party nito noong Sabado (July 11).
READ: Top 10 babes boycott 100 Sexiest Victory Party?
May natanggap daw na death threats ang sexy actress na si Max Collins sa pamamagitan ng text message kaya minabuti na niyang hindi lumabas ng kanyang bahay.
“Wala akong kaaway pero it was more like, ‘yung nakalagay sa text is that they want to hold me for ransom,” ang sagot ni Max sa report ni Nelson Canlas sa
24 Oras.
Nakuwento pa ng Kapuso star, "There were like two men riding in tandem, like umiikot sa [labas] ng bahay ko, so parang dalawang beses nang nangyari ‘yun and then ‘yung PA ko ‘yung nakakita and then parang tinatakot siya.”
Nai-report na daw niya ito sa mga awtoridad para sa kanyang proteksyon.
Samantala, nagsalita na rin ang Bubble Shakers na sina Sam Pinto at Andrea Torres kung bakit hindi sila nakadalo sa event.
Kada taon, kabilang si Sam sa listahan ng Sexiest at pinuri niya ang nangunguna sa listahan na si Jennlyn Mercado, “I think she truly deserves it. She’s super sexy!”
WATCH: Jennylyn Mercado’s sizzling production number at 100 Sexiest Victory Party
Nagpapasalamat din siya sa sexy magazine dahil ito ang sanhi na pagdating ng maraming oportunidad sa kanya sa industriya. Dagdag pa niya, “I’m not bitter! I’m [kind of] done with it, so parang why will I still go? (laughs)”
First time naman ni Andrea na masama sa listahan ng 100 Sexiest at nakuha na niya kaagad ang ikalawang pwesto. Paglilinaw niya na hindi siya nakapunta dahil may naka-schedule na siyang commitment bago pa man i-anunsyo ang Victory Party.
“Matagal na kasing may naka-schedule that day so siyempre hindi naman natin ma-mo-move ‘yung mga commitments ng ganun-ganun na lang so ‘yun…hindi kami nakapunta,” saad ng Kapuso artist.
READ: Andrea Torres' official statement on the FHM boycott issue
LOOK: Men’s magazine holds 100 Sexiest Victory Party