GMA Logo Max Eigenmann
What's on TV

Max Eigenmann, nakaramdam ba ng pressure bilang isang Eigenmann sa showbiz?

By Jimboy Napoles
Published August 23, 2023 11:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Max Eigenmann


May pressure nga ba na naramdaman si Max Eigenmann na mapabilang sa pamilya ng mahuhusay na aktor sa showbiz?

Diretsahang sinagot ng award-winning actress na si Max Eigenmann ang tanong ni Boy Abunda kung ano ang pakiramdam na maging bahagi ng Eigenmann clan, ang isa sa mga pamilya ng mahuhusay na aktor sa showbiz industry.

Sa August 22 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, bumisita rito si Max kasama ang celebrity mom na si Sophie Albert upang i-promote ang kanilang kinabibilang upcoming GMA Afternoon Prime series na The Missing Husband.

Dito ay hindi nakaligtas si Max sa tanong ni Boy tungkol sa kanyang pagiging Eigenmann.

“Max, ang tanong, is it easy, is it hard maging Eigenmann dito sa industriya?” tanong ni Boy sa aktres.

Sagot naman ni Max, “It's neither easy nor hard because my family has always made me feel… we've always made sure to make each other feel that we are our own person in terms of our careers.

“This is kind of funny pero kapag magkakasama kami hindi talaga namin pinag-uusapan ang trabaho.”

Pero kuwento ni Max, mas nakaramdam siya ng pressure noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya.

Aniya, “I dealt with that kind of pressure a little more difficult noong mas bata ako noong nag-uumpisa ako kasi naramdaman ko na meron talagang malalaking shoes to fill.”


KILALANIN ANG EIGENMANN CLAN SA GALLERY NA ITO:


Paglalahad pa ng aktres, hindi rin naman pinaramdam ng kanilang pamilya ang pressure ng kanilang pagiging artista.

“Nobody in my family made me feel that I had to do that. They allowed me to become my own person and ngayon na tumanda na ako, I realized na 'yung pressure na 'yan, it doesn't affect me as much anymore.

“To be honest, there is really none for my family, the pressure is really from everybody else,” ani Max.

Si Max ay anak ng namayapang batikang aktor na si Mark Gil at pamangkin ng pumanaw na rin at kilala bilang “La Primera Contravida” na si Cherie Gil.

Ayon kay Max, walang araw na hindi niya nami-miss ang kanyang ama at tiyahin na sina Mark at Cherie.

“[I miss] both of them every day, all the time. I was very very close to both of them as in very very close, my dad and Tita Cherie, so grief naman will always linger I don't think it ever goes away,” sabi ni Max.

Naka-relate naman si Boy sa sinabi ni Max dahil ito rin ang nararamdaman niya sa kanyang namayapang ina.

“Palagi kong sinasabi na ayokong mawala 'yung grief kasi that's my connection to her,” ani Boy.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.