Article Inside Page
Showbiz News
Tweetbiz: Maxene Magalona, ipinagtanggol ang Mama Pia niya
Winelcome ng buong Tweetbiz team last June 21, ang pinakabagong addition sa grupo na si Maxene Magalona. Bilang bagong chizmoza ng Tweetbiz ang tawag kay Maxene ay ChizMax Girl.

At sa unang gabi niya ay hindi rin siya pinalagpas ng Tweetbiz team sa pang-iintriga matapos siyang hingan ng reaksyon tungkol sa lumabas na isyu na very annoying na raw ang mga VTR interviews ng Mommy Pia niya dahil naaagawan na raw nito ng eksena ang kanyang mga anak.
“Ay, naku, isang malaking kebs (keber),” may halong inis na sagot ni Maxene. “Naiinis na ako sa mga nang-aaway sa mom ko. Kasi alam n’yo sa totoo lang kung wala yung mom ko, wala kami.”
Dagdag pa ni Maxene, “At saka ako I really believe na ang mom ko she really brought us up really, really well. So, kung anuman ang sinasabi niya, yun din naman ang pinaniniwalaan namin. And she’s there to represent us, siya kasi ang manager namin. So, ako okay lang, my mom is very beautiful and she’s pleasant to look at sa TV.”
Ang mataray na babala ni Maxene sa mga tumitira sa family nila, “Huwag n’yo akong susubukan. Don’t mess with the Mags (Magalonas)!” --
Tweetbiz
Pag-usapan si Maxene sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get in touch with Maxene.
Just text MAXENE (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers,
text GOMMS (space) MAXENE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.