Article Inside Page
Showbiz News
Tweetbiz: Maxene Magalona, nililigawan na nga ba ni Dominic Roco?
Magkasabay na dumating sa isang event ang magkaibigang sina Maxene Magalona at Glaiza de Castro with their escort Dominic Roco.

Naiintrigang nililigawan na raw ni Dominic si Maxene at ang kakambal naman nitong si Felix ay kay Glaiza naman nanliligaw. Gaano kaya katotoong may namumuo nang bagong couples sa magkakapares na ito?
Sinagot ni
Tweetbiz ChizMax Girl na si Maxene ang isyung ito nang tanungin siya kung ano ba ang real score sa kanila ni Dominic. Aniya, very close daw silang dalawa ngayon pero hindi raw sila couple.
Ayaw daw muna niyang magka-lovelife ngayon at gusto niyang mag-focus sa trabaho niya lalo na’t kasama siya sa
Tweetbiz at sa sine novela ng GMA-7 na
Trudis Liit.
Pero hindi maipagkakailang puring-puri ni Maxene si Dominic sa pagsasabing, “He’s a very good person. Nang makilala ko siya he’s a deep person pala.”
Hinahangaan niya rin daw ang Roco Twins dahil sa pagiging creative ng dalawa at pagiging magagaling na mga artista.
Nang matanong kung posible bang maging sila ni Dominic in the future, sabi ni Maxene, ayaw daw muna niyang isipin ito ngayon. Ini-enjoy daw niya ang friendship niya with Dominic. Pero hindi niya raw isinasara ang pinto niya sa future possibilities.
Okay din daw si Dominic sa Mommy Pia ni Maxene. -
Tweetbiz
Catch
Tweetbiz on Q Channel 11 from Monday to Friday at 7:30 PM with replays at 10:30 PM.
Pag-usapan si Maxene sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get more updates from Maxene and Glaiza thru their Fanatxt service! Text
MAXENE/GLAIZA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS Wallpapers text GOMMS (space)
MAXENE/GLAIZA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is available in the Philippines.