
Apat na tao ang masasangkot sa isang love square sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Magkarelasyon si Anne at Roxy, kahit na hindi sila laging magkasundo.
Dahil naman sa negosyo, mapipilitang pumasok sa isang relasyon si Jon sa mas batang si Kim.
Pero magkakakilala sina Anne at Jon na parehong tila naglalamig na sa kani-kanilang mga relasyon. Hindi magtatagal, mahuhulog ang loob nila sa isa't isa.
Paano nila ipaglalaban ang kanilang pagmamahal ngayong nakatali pa sila sa kanilang mga karelasyon?
Magtatambal sa fresh episode na ito sina beauty queen-turned-actress Maxine Medina na gaganap bilang si Anne; at Kapuso actor Dion Ignacio na gaganap naman bilang Jon.
Kasama din nila si Arny Ross na gagampanan ang role ng girlfriend ni Anne na si Roxy at si Yvette Sanchez na lalabas naman bilang si Kim.
Huwag palampasin ang kakaibang kuwento nila sa brand new episode na "Mahal Kita, Mahal Mo Siya" ngayong Sabado, June 12, 8:00 pm sa #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: