
Bukas, November 10, nakatakdang ipalabas ang huling episode ng revenge-drama series na Magandang Dilag.
Pinagbibidahan ito ng actress/comedienne na si Herlene Budol na lumabas bilang Gigi, isang babaeng gumanda at naghiganti sa mga taong umapi at nang-scam sa kanya.
Siyempre, kung may bida, mayroon ding kontrabida at isa na rito ang dating modelo at beauty queen na si Maxine Medina na gumaganap bilang Blaire, isang matapobreng fashion designer at leader ng socialite group na Elite Squad.
Sa isang campy na panghapong serye, hindi mawawala ang intense catfight scenes at dito siksik ang Magandang Dilag.
Bilang main villain ni Herlene sa serye, ani Maxine, sinisigurado niyang hindi sila magkakasakitan ng kanyang ka-eksena tuwing pisikal ang eksena.
Bahagi niya sa panayam ng GMANetwork.com, "Alam mo kasi hindi ako nagagalit in real life e, dito ko lang nabubuhos pero nagpapaalam naman ako kay Herlene. Sabi ko, 'Herlene, kailangan kong gawin to ha, dito ko lang maibubuhos 'to pero iingatan kita.' Mine-make sure ko lagi sa kanya 'yon.
"So ang mangyayari, lahat ng mga kinaiinisan ko that moment, maaalala ko and mafe-feel ko. Syempre, magagalit ako tapos do'n ko na lang ibubuhos."
Ito na ang pangatlong beses na gumanap bilang kontrabida si Maxine. Una na siyang napanood bilang kontrabida sa First Yaya at sa sequel nitong First Lady. Takot ba siyang ma-stereotype sa ganitong role?
Nakangiting sagot niya, "Hindi naman, it's so much fun. I mean, we all have our demons inside and siguro na lang 'yun din 'yung way ko to express it in an art way and, at least, 'di ako nakakasakit ng ibang tao, 'di ako nakakatapak ng ibang tao.
"And it is something, sa akin ah, my way to like express the acting side kasi it's so much fun. Ako I'm having so much sa lahat ng roles na binibigay sa 'kin especially from First Yaya, First Lady, and now sa Magandang Dilag. Ito 'yung pinaka intense kontrabida ko e so proud na proud ako do'n and happy-ng happy ako na along the way, ang dami ko talagang natutunan."
Hindi rin maiiwasan ang pagkakaroon ng bashers dahil sa kanyang pagganap bilang mapagmataas na leader ng Elite Squad.
Pero para kay Maxine, sign ito na effective ang kanyang pagganap bilang Blaire.
Kinikilig na sambit ng aktres, "Go ahead, I'm so happy kasi I know it works and happy ako dahil ang daming sumusuporta."
Dagdag niya, "Wala naman kasing story na walang kontabida, 'di ba? Syempre, walang bida kung walang kontrabida so like, for me, sobrang blessed ako na nabigay sa 'kin yung role na 'to. Inalagaan ko talaga and syempre dumaan din ako sa workshop, nagtanong-tanong ako kung paano ko gagawin, naghanap ako kung sino gagayahin ko, naghanap ako kung saan ko kukunin, paghuhugutan. Sobrang blessed ako to be given that role."
Sa pagtatapos ng Magandang Dilag bukas, asahan daw na magkaroon ng magandang kahihinatnan ang mga paghihiganti ni Gigi.
Aniya, "Abangan n'yo kung ano mangyayari kay Blaire at sa lahat ng Elite Squad. 'Yun ang magiging surprise and I'm sure mare-relieve kayo sa sobrang intense ng mga pag-aaway namin. At the end, relieving itong ending ng Magandang Dilag."
Mapapanood ang huling episode ng Magandang Dilag ngayong Biyernes, November 10, 3:20 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA-owned and operated online platforms. (with interviews by Aaron Brennt Eusebio)
BALIKAN ANG MGA INTENSE NA EKSENA SA MAGANDANG DILAG.