GMA Logo maxine medina on first yaya
What's on TV

Maxine Medina reminisces bonding moments with 'First Yaya' cast

By Bong Godinez
Published July 6, 2021 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

maxine medina on first yaya


Maxine took to Instagram to recall her happy memories on the set of the hit series.

Wala pang isang linggo matapos magwakas ang First Yaya ay tila namimiss na ng cast members at isa't-isa.

Sa Instagram ay nag-post si Maxine Medina ng mga masasayang larawan kuha habang naka-lock in taping ang cast at crew ng nasabing serye.

“#FIRSTYAYA FAMILY hanggang sa muling pagkikita!,” sabi ni Maxine sa caption.

Makikita sa mga larawan ang masayang bonding ng cast members habang kumakain, nasa swimming pool, at naka-break sa taping.

A post shared by Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina)

Noong Biyernes, July 2, opisyal nang nagwakas ang hit serye na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Kanya-kanya naman ng pagbibigay ng special tribute ang cast members sa pagwawakas ng First Yaya.

“Unexpectedly, nagkatugma-tugma ang mga utak natin. I love it when we talk about each other without judgemental just plain understanding. Sa tagal halos ng lock-ins we've adjusted to each other's Do's and Don'ts. And we have embraced each other's differences. As in we love loving each other,” saad ni Kakai Bautista sa Instagram.

“I always pray that this ONE stays FOREVER, because I'm tired of fly night friendships! Keeping my eyes on you! Wala makakatakas kay TYANG!”

Ang leading man naman ng serye na si Gabby ay nagbahagi ng behind-the-scenes videos na nagpapakita ng bonding moments ng cast.

“Mayroon akong separation anxiety na hindi ko pa nage-get over. Siguro masasanay din ako," pag-amin ni Gabby ng makapanayam ni Lhar Santiago para sa 24 Oras ilang araw bago matapos ang serye.

“Hindi pa nga kami nagkakahiwahiwalay sa taping, sobrang lungkot na namin. Ano pa kaya 'yung nalaman naming huling linggo na lang,” saad naman ni Sanya.

Samantala, mapapanood din ang First Yaya sa streaming platform na iQiyi at maging sa YouTube channel ng GMA Network.

Tingnan ang iba pang emosyonal na mensahe ng cast members ng First Yaya sa gallery na ito: