Panoorin ang Part 1 sa October 17, pagkatapos ng 'Cross Fight B-Daman.'
By MARAH RUIZ
May serial killer na gumagala sa siyudad! At ang target nito ay ang mga miyembro ng kapulisan.
Sa isa-isang pagbagsak ng mga detectives, mapapansin ng batang detective na si Conan Edogawa na konektado ang mga ito. Magkakasamang nag-imbestiga sa isang nakaraang kaso ang mga biktima.
Makikita ng kaibigan ni Conan na si Ran Mori ang mukha ng killer. Ngunit dahil sa trauma, magkaka-amnesia ito!
Bumalik pa kaya ang alaala ni Ran? Malutas kaya ni Conan ang kaso kahit wala ang tulong ni Ran?
Abangan ito sa Detective Conan: Captured in her Eyes! Panoorin ang Part 1 sa October 17, pagkatapos ng Cross Fight B-Daman at ang Part 2 naman sa October 18, pagkatapos ng Tobot, sa nangunguna at nag-iisang astig sa mundo ng anime, GMA.