
Sobrang nae-enjoy ni May Ann Basa o mas kilala bilang Bangus Girl ang experiences niya sa hit youth-oriented show na MAKA.
Sa interview ng GMANetwork.com, masayang ibinahagi ni May Ann ang kanyang experience sa show at makatrabaho ang MAKA Barkada na sina Zephanie, Shan Vesagas, Josh Ford, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Anton Vinzon, Chanty, Sean Lucas, John Clifford, Olive May, Bryce Eusebio, Mad Ramos, at Elijah Alejo.
"100 over 10," rate ni May Ann sa kanyang experience sa MAKA. "Kasi hindi lang basta work or mga ka-workmate, family na rin po talaga sila."
Ang MAKA ang kauna-unahang series ni May Ann Basa sa Kapuso Network simula nang pumasok ito sa showbiz noong May 2024.
Nagpapatuloy ang pagbibigay kasiyahan ni May Ann sa spin-off ng show na MAKA LOVESTREAM kung saan gumaganap siya bilang Iya, ang bubbly assistant ni Grant, na ginagampanan naman ni Josh Ford.
Subaybayan si May Ann sa MAKA LOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI MAY ANN BASA SA GALLERY NA ITO: