
Kaabang-abang ang mga susunod na eksena sa GMA Prime series na My Guardian Alien dahil tila may isa pang alien na bibisita sa mundo ng mga tao.
Sa inilabas na teaser ng GMA Network sa telebisyon at online, mapapanood na isang bagong alien ang magbabago ng anyo at magiging isang bata. Ipinakita rin dito ang librong sinulat ni Katherine na pinamagatang “Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien.”
Isa kaya itong kakampi o kaaway?
Sa nakaraang episode ng serye, matatandaan na sinabi ni Grace kina Carlos at Doy na ipinaalam ng kanyang kapwa aliens na kailangan niyang umalis sa takdang panahon dahil kung hindi ay siya ay sasabog.
Sa kabila nito, inaya pa rin ni Carlos ng kasal si Grace at tinanggap ito ng huli.
Lingid naman sa kaalaman nina Carlos, Doy, at Grace na mayroong isang pod na sumunod sa kanila nang makarating sa ancestral home ng una.
Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream. Maaari ring mapanood ang serye sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.