
Isa na namang kapana-panabik na Chinese drama ang ihahandog ng GMA Fantaseries ngayong Abril!
Ang naturang C-drama ay puno ng action, fantasy, romance, at comedy na tiyak na magugustuhan ng lahat.
Ipakikita rito ang buhay ng bida sa isang comic script, na nagnanais takasan ang itinakdang wakas sa kuwento.
Ano ang magiging reaksiyon mo kung nalaman mo na ang buong buhay mo ay isa palang kuwento na pang aliw lamang sa mga tao?
Ano ang gagawin mo kapag binigyan ka ng isa pang pagkakataon para baguhin ang iyong istorya?
Abangan ang kakaiba at bagong Chinese rom-com series tungkol sa buhay, tadhana, at pag-ibig.
Kilalanin ang Chinese stars na mapapanood dito sa GMA soon!