GMA Logo Winwyn Marquez
What's on TV

May bagong makakalaban si Hara Urduja

Published April 25, 2023 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang celebrities, nasimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Alleged female rebel nabbed for rebellion, crimes against humanity
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Winwyn Marquez


Abangan ang karakter ni Winwyn Marquez sa 'Mga Lihim ni Urduja.'

Sa huling siyam na gabi ng mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja, mas titindi ang giyera sa paghahanap sa mga nawawalang hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez).

Sa #UrdujaLusob episode kagabi ay nasaksihan ang kasakiman ng lider ng Black Crows na si Valencia (Arra San Agustin). Habang mahimbing ang tulog ni Freya (Michelle Dee) ay pumasok siya sa kuwarto nito at kinuha ang pagkakataon para patayin ang isa sa mga itinuturing niyang kaaway.

Samantala, sa #UrdujaTaksil episode mamaya ay makikilala na ang kapatid ng pinakamagiting na hara na ginagampanan ng Kapuso actress na si Winwyn Marquez.

Walang kamalay-malay si Urduja na ang mabangis na makakalaban niya ay hindi ang mga dayuhang mananakop kundi ang kanya mismong mga kadugo.

Ano kaya ang mangyayari sa pagdating niya at bakit lubos ang galit niya kay Urduja?

Alamin sa Mga Lihim ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG MGA BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: