
May "Big Guy" na parating sa GMA Prime action-drama series na Never Say Die.
Dahil sa matinding hiling ng fans, isang nakaka-excite na celebrity guest star ang papasok sa serye.
Sino kaya ito?
Posible bang mapanood ang boksingerong si Eman Bacosa Pacquiao sa seryeng pinagbibidahan ng kanyang celebrity crush na si Star of the New Gen Jillian Ward?
Matatandaang ipinakilala ni Jillian si Eman bilang "Big Guy" sa isang TikTok video na kinunan nila matapos niyang manood ng boxing match nito sa Bohol.
Sa recent contract signing event naman ng aktres, ipinahayag niyang bukas siyang makatrabaho si Eman.
Abangan kung sino ang "Big Guy" na ito sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.