Para sa mga wala pang ka-date this Valentine's Day, hindi pa huli ang lahat! Gamitin ang mga pickup lines na ito from Bubble Gang at malay mo, hindi ka na mag-isa sa February 14.
Para sa mga wala pang ka-date this Valentine's Day, hindi pa huli ang lahat! Gamitin ang mga pickup lines na ito from Bubble Gang at malay mo, hindi ka na mag-isa sa February 14.
Internet connection ka ba? Kasi kapag nawawala ka, nababadtrip ako.
May problema yata ako sa mata. Kasi kapag nakapikit ako, ikaw pa rin ang nakikita ko.
Alam mo, mas mabilis ka pa sa Earth. Kasi sa isang ikot mo lang, buo na araw ko.
Parang allergic ako sa'yo. Kasi kapag lumalapit ka, namumula ako.
Nerbiyos ka ba? Kasi kapag kausap kita, nauutal ako.
Kapag kasama kita, mayaman ako. Kasi kapag wala ka, mahirap!
Abs ka ba? Dahil magpapakahirap ako, makuha lang kita.
Matalino ka ba talaga? Kasi kung matalino ka, sige nga, sagutin mo na 'ko.
Ayoko na sa sarili ko. Kasi ang gusto ko, ikaw.
Puwede mo ba akong tabihan kapag may exam ako? Kasi kapag katabi kita, I feel perfect.
San Juan ka ba? Kasi kahit saan ako magpunta, I can't find San Juan like you.
Kapag nandiyan ka, walang kuwenta ang gravity. Kasi lagi din akong nahuhulog sa'yo.
For more pickup lines and funny gags, watch Bubble Gang every Friday, after the GMA Telebabad block.