Article Inside Page
Showbiz News
Kumasa na si Janno Gibbs, at hahamunin naman niya ang powers mo sa panghuhula! Alamin ang lahat tungkol sa bago niyang show, ang 'Power of 10'!
Kumasa na si Janno Gibbs, at ngayong hinahamon niya ang powers mo sa panghuhula! Alamin ang lahat tungkol sa bago niyang show, at kung ano ang tumatakbo sa utak ng kwelang host na ito. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.
"Welcome to the
Power of 10—isa sa pinakamalaking game show with the biggest cash prize ever na pwede mong mapanalunan in Philippine Television history!" 'Yan ang bati ni
Janno Gibbs nang bumisita ang press sa taping ng kanyang bagong game show, ang
Power of 10.
Coming from
Kakasa ka ba sa Grade 5, hindi ba mahihirapan mag-adjust si Janno sa bago niyang show? Ayon sa kanya, hindi naman daw: "Iba. Kasi una, mas malalaki 'yung laktaw ng prizes. Malaki din 'yung bagsak, that's one. Second, [sa
Kakasa] hindi ka makakaapak hangga't wala 'yung exact answer na hinahanap. Pero [sa
Power of 10] hindi mo mape-predict [ang tamang sagot]. Kahit sino hindi mape-predict 'yon."
And that's because
Power of 10 relies on a survey na may sample of 1,000 Filipinos from different parts of the country. Paano mo nga naman mapupulsuhan kung ano ang sagot ng isang libong Pilipino, 'di ba?
Ngayong dalawa na ang game shows ni Janno, hindi na maiiwasan ang comparison between him and other hosts na nalilinya sa game shows. Janno believes that there's room for all of them, but he wants to be known for something: "Isa sa mga goal ko, isa sa mga trabaho ko as a host, [ay 'yung] malinaw mong mae-explain 'yung mga rules, 'yung options mo. [And] gusto [kong makilala na] ako yung pinakamalinaw mag-explain."
Other than that, pinag-iigihan pa ni Janno lalo ang pag-handle niya sa game show—balancing comedy with suspense, para entertaining ito sa mga nanonood at hindi lang sa naglalaro.
With
Power of 10 airing for 26 weeks, we're sure na magiging sanay na si Janno sa kanyang gustong gawin. Pero here's an interesting question: sa tingin ba niya, may makakakuha ba ng P10 million na jackpot prize?
"Noong dry run namin," kuwento ni Janno, "nag-try 'yung isang staff ng
Showbiz Central. Sa P10 million question, sagot niya 26 percent. Ang actual result was 27 percent. So kung tumaas pa siya ng isa, at kung totoong game 'yun, kuha niya 'yung 10 million!"
Pero teka, kung ikaw ang contestant, susugal ka ba sa P10 million, kung sure na ang P1 million na prize mo?
According to Miss Cecille de Guzman, the program's unit manager, "Most of the contestants, when they reach the 1 million [prize], it's too difficult for them to risk [that]."
Kaya ang sabi naman ni Janno, "Medyo [dapat] pag-iisipan."
Bukod sa nerve-wracking element ng game, ano pa ba ang puwedeng abangan sa
Power of 10? Proud si Janno na very interesting at intriguing ang mga questions na itinatanong nila: "'Yun ang isang malaking bagay na nagpapa-interesting [doon sa] game, 'yung lineup ng questions." And siyempre, interesting din marinig ang reasoning ng mga tao sa kanilang mga sagot!
Game ka bang sumali sa
Power of 10? Kaya ba ng powers mo ang game na ito? Then be sure to audition during the dates na ina-advertise sa show! Tune in every Sunday night, pagkatapos ng
Kap's Amazing Stories para malaman kung ano ang details sa pagsali!
Sa tingin mo kaya mong makakuha ng tips from Janno? Why not try through his Fanatxt?
Just text JANNO and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)